top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Sa Anak Ang Pagdurusa


Poem about negative result of the parent's separation
Poem about negative result of the parent's separation

Sa tuwing lalapatan mo sa pisngi ama, si ina ng 'yong palad na dapat sana ay haplos ng pagmamahal,

Alalahanin mo rin muna sana kung paano kang nabighani sa kaniya at kung gaano mo siya sinuyo nang kay tagal.

Sa tuwing nagpapataasan kayo ng boses dahil sa kung sino ang obligado at sino ang may kasalanan,

Isipin n'yo rin sana naman kung paano kayong nangako sa harap ng altar na magkasama kayong haharap sa saya maging sa kalungkutan.


Kapag madalas na sa madalas ang mga walang humpay na turuan at wala nang makaawat sa mala aso't pusa n'yong bangayan,

Pansinin n'yo sanang may isang anak na hindi matigil ang pagtangis habang pinapanuod kayong nagsisigawan sa likod ng pintuan.


Kapag umabot na kayo sa sukdulan ng inyong mga galit, selos, tamang hinala't kawalan ng tiwala,

Baka puwedeng iisantabi n'yo muna ang dignidad at dinggin ang hiling ng inyong anak na ang pangarap na buong pamilya sana'y huwag hayaang mawala.

Huwag n'yo sanang pairalin ang poot at pagkamuhi, sakali mang mayroong bagay na hindi pinagkakaintidihan,

Dahil sa bawat akto, kilos at mga masasakit na salitang inyong bibitawan—may isang kaluluwang naiisawalang bahala at nilalamon ng kalungkutan.


Kung dumanting man sa puntong ang nakikita n'yo na lang na sulosyon ay hiwalayan,

Balikan ninyo sana kung paano kayo nangarap ng isang pamilyang pupunuin ninyo ng pagmamahalan.

Isipin n'yo ako ama't ina,

ako na inyong bunga ay huwag sanang hayaang sumuloy na kulang ang ugat at walang matibay na sanga.


...


Young Pilipinas Poetry

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page