Sa Aking Kandungan
Matapos ang halos isang buwan sa hospital, sa wakas makakalabas na rin kami ni nanay. Halos magkanda-ubos-ubos ang ipinundar ni tatay na lupa bago siya pumanaw. Mahirap kasi kalaban ang sakit na cancer.
Habang nakaupo kami sa gitna ng bus na sinasakyan namin pauwi sa probinsiya, napansin ng katabi ko ang hirap ko sa puwesto sapagkat nakatanday sa akin si nanay.
Kapansin-pansin din ang pangangayat naming pareho. Kaya sa awa, inabutan kami ng aking katapat ng isang botelyang tubig at isang biskwit. Kaagad ko itong binuksan, ipinakain at ipinainom kay nanay.
"Kaunting tiis na lamang nay, malapit na tayo. Makakapahinga ka na at makakahiga ka sa piling ni tatay.”
...
Sa Aking Kandungan by Ronjo Cayetano
Comments