top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Responsableng Mangingisda


A poem about responsible fishermen
A poem about responsible fishermen

Makukulay at sari-sari, malaki at maliit,

may matapang at hindi, kaliskis ang damit,

ganiyan ang mga isda sa dagat na tahimik,

malulusog at marami, sa protina ay siksik.


Sila ang kabuhayan ng mangingisdang magiting,

tuwing sisikat ang araw, sa dagat manlalambing,

bitbit ang mga bangka, tutungo sa malalim,

at sila'y may pera na pagsapit ng dilim.


Alam ng bangkero ang mali at ang tama,

kung kaya’t ang karagatan ay alagang-alaga,

sa populasyon ng isda ay mayroong pang-unawa,

kaya nililimitahan din ang kanilang pangingisda.


Galit sila sa mga pagsabog ng dinamita,

gano'n din sa mga taong nagtatapon ng basura,

’pagkat alam nilang may masisirang bahura,

gano'n ang mangingisdang puno ng disiplina.


Marunong silang pumili sa lambat na ginagamit,

malaki dapat ang butas at huwag ’yung maliliit,

‘pagkat ang sanggol na isda ay baka madamay,

’di na lalaki, apektado ang pamumuhay.


Alam ng mangingisda ang mabuti at masama,

kaya sila'y pumapanig doon sa tamang gawa,

eksperto sa karagatan at gano'n din sa isda,

kaya sila'y matatawag na responsableng mangingisda.

Related Posts

See All

I Wonder

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page