top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Repleksiyon


How do Filipino writes poem
How do Filipino writes poem

Sa bawat pagtala ng mga letra ng isang Filipinong mangangatha,

Mararamdaman ang hinaing at damdamin; mga kuro-kuro't panibugho sa talinhaga ng tugma.

Tugmang hindi lamang basta palamuti,

Talinhagang maari ring maging baluti.


Na sa bawat manunulat na nangangarap ng librong maililimbag,

May mga adhikain na nais marating na sa kabila ng pangungutya ay hindi patitibag.

Hindi papipigil ang pusong hindi pasisiil,

Kahit walang naniniwala, walang makapipigil.


Ang mga likhang tula ng isang makata, ay naglalaman ng samu't saring damdamin,

Pangungutya, pangarap na nais abutin—lugar na gustong marating.

Tagumpay ang sinasalamin

Sa kahinaa'y hindi paalipin.


Ang sikat na tula ng bansang Pilipinas

Ay hindi para magpakitang gilas.

O magbulalas ng baho o tumuklas ng bago,

Ito ay para maipamulat sa lahat ang misteryo at repleksiyon ng buhay nasaan ka mang ibayo.


...

Young Pilipinas Poetry

0 comments

댓글


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page