Remedyo sa Peligro
Init nitong panahon ay tila lumalala,
pawis nyaring katawan lumuluhang kandila,
lalamuna'y uhaw, katawa'y namunutla,
El Niño ang salarin—dinaranas ng madla.
Nakaambang panganib paano maiiwasan?
Kung ang 'sang katauhan ay walang nalalaman,
mga remedyo't gamot ay dapat pag-aralan,
nang hindi ka mabigla kung sakaling tamaan.
Palaging maging handa antabay sa pamilya,
lalong higit sa lahat sa mga lolo't lola,
itong sakit na istrok madalas na puntirya,
palagiang uminom tubig at medesina.
Huwag na lang lumabas kung hindi kailangan,
'di mahalagang lakad huwag na rin puntahan,
panatilihing presko paligid at katawan,
'di kayang kalabanin iyak ng kalikasan.
...
Remedyo sa Peligro by Ronjo Cayetano
Comments