Pusong Kumakatok sa Rurok ng Kalungkutan
Pagkabagabag na hindi matapos-tapos
sa buong kalamnan ay tagos.
Tila isang sakit na walang lunas,
pag-asa'y nagkukubli sa paparating na bukas.
Saan hahanapin ang sagot,
sa hindi malaman-lamang mga tanong?
Naguguluhan ang utak
dilim na silid ang tanging kanlungan.
Mga tinig ng guni-guni
iisa ang ibinubulong.
Wakasan ang dapat wakasan
iyan ang tanging salusyon.
Paano matitigil ang ganitong epidemya?
Sumisira sa mental, moral at pisikal na kalusugan.
Kung walang kaagapay
sa masidhing pinagdadaanan.
Mga matang pikit
pansinin ang naghihirap na damdamin.
Ihanda ang tainga,
makinig at subukang intindihin.
Pagkalinga ang hangad
sa pinagdadaanan ng kapuwa dapat may alam.
Mga balikat ang gawing tuwang
sa bigat na dinadamdam.
Higpit ng yakap
at walang pagdadalawang isip na pagtanggap
lubos na kailangan,
sa suliraning lubos na nagpapahirap.
...
Comments