top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Prinsesa‚ Maganda ka


A poem about being pretty
A poem about being pretty

May tilamsik ng hinhin sa katauhan mong angkin‚

ngunit ‘di ibig sabihin na maaari ka ng alipustahin.

Lumilitaw ang ‘yong kahinaan sa duyan ng suliranin‚

ngunit ‘di ibig sabihin na wala kang lakas sa‘yong damdamin.


May namumukadkad din na inis at galit sa iyong pag-uugali‚

ngunit ‘di ibig sabihin na hindi ka marunong mamahagi ng ngiti.

Minsan ika‘y nakasimangot at parang nag-iinit na kawali‚

ngunit naiintindihan ko‚ atensyon at pagmamahal lamang ang iyong hinihingi.


May pagkakataon na nakagagawa ka ng mali sa kapwa tao‚

at siguro‘y lahat naman tayo‚ kaya‘t huwag mong iisipin masyado.

Maaari ngang minsan ay nakararamdam ka ng kulang sa‘yong pagkatao‚

ngunit kung iisipin mo‘y lahat naman tayo ay hindi perpekto.


May kislap ng luha sa iyong mga mata sa tuwing hindi mo na kaya‚

ngunit hindi ibig sabihin nito palagi ay nagdadrama ka.

May oras lamang talaga na ‘di sumasang-ayon sa iyo ang ikot ng planeta‚

at hindi ibig sabihin na hindi ka na marunong magsaya.


May itinatago ka ring inggit sa tuwing nakakikita ng babaeng maganda‚

ngunit binibini‚ kung maaari ko lamang ipahiram ang aking mga mata‚

mamamangha ka rin panigurado sa hiwaga mong dala‚

kahit hindi ka maglagay ng kolorete sa mukha‚ ikaw ay napakaganda.


Isa kang babae na dapat ituring na prinsesa‚

hindi pinaiiyak, hindi ginagawang parausan at hindi dapat inaalipusta.

At pagbigyan mo sana ako kung araw-araw kong ipaaalala‚

maganda ka‚ naiiba at palagi kang mahalaga.


....

Young Pilipinas Poetry

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page