Piyestang Pilipino
Pagpapala mula sa Kaitaasan kulturang nakasanayan,
pagdiriwang na nakagis'nan, aliw sa bawat mamamayan.
Salo-salo sa hapag kainan, tulong-tulong ang sambahayan
imbitado ang lahat sa piyestang may kasiyahan.
Samu't-saring bandiretas at palamuti
musiko'y tumutugtog, ang ila'y tumatalumpati,
hindi magkamayaw ang mga turista,
may galak sa puso punong-puno ng sigla.
Sadyang kulturang kay ganda, kaugaliang kahali-halina,
magiliw sa bisita Pilipinong nagkakaisa,
lahat ay nakangiti, walang makikitang hindi,
pasasalamat sa biyaya at sa saganang ani, pagdakila sa patron ang siyang namumutawi.
Makukulay ang suot sa paligsahan ng sayaw,
sa kalsada makikita umiindak—humihiyaw,
Viva Sto. Niño! Sabay-sabay nilang sigaw,
Piyestang Pilipino'y nananatili, walang bumibitaw.
Comments