Pinagkait na Kanin
Nagtanim ngayon ng palay, umasa na bukas ay may bigas,
ngunit ang balat ay napaso lamang sa araw na nag-iinit ang ningas.
Mailap ang barya kahit magkulay dugo na ang pawis,
kahit pa maghapong kumahig, makukulong pa rin sa hinagpis.
Ang s'werte ay kusa sa kanilang lumalayo,
makakain ng tatlong beses sa isang araw ay malabong-malabo.
Ang buwitre na gutom ay mas mauuna pa silang kainin,
sila naman ang magsasaka ngunit bakit sila ang nangangapa sa kanin?
💛💛💛