(PI)NI(LI)(PI)T ANG U(N)G(AS)
Lupang sinilangan, bayang tinubuan; tahanan ng api, dusa ay 'tinali.
Yaman ay inangkin, sadlak sa putikan;
kalapastanganan, sukab sa salapi,
Oh! Bayan kong irog, na inalipusta;
ika'y inalipin, winalang halaga.
Nilublob sa putik, tugon sa kalul'wa;
ngayo'y kasaysayan, nakamtang paglaya.
Ako si Huwana, dito isinilang;
laking pasalamat, wala ng digmaan.
Istorya at kwento, aking naabutan;
bayaning magiting, ang naging dahilan.
Pinalaya'ng Pinas, buhat sa karimlan;
bantayog— sagisag, nang 'ting kalayaan.
Bayang maharlika, 'sinakdal nang minsan;
Tumibay— tumatag, wala ngang iwanan.
Lupaing Hinirang, perlas ng silangan;
tahanan ng lahi, ika'y karangalan.
Dukha ay kinupkop, yamang iningatan;
sangsang ay inalis, tsaka binihisan.
Pusong nag-aalab, dibdib niya'y buhay;
'di ka hahayaan, makitang handusay.
Ika'y 'pagtatangol, magiging kalasag;
Bayan ko ay PINAS, tahanang marilag.
Comments