top of page

Performance Task

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

A depressing life of a student fiction
A depressing life of a student fiction

Dahil ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid, sa akin nakaatang ang pag-aalaga sa kanilang dalawa at sa aking na-‘stroke’ na tatay. Hindi ko na alam kung paano ko pa pagsasabay-sabayin ang mga ito.


Madalas wala rin si nanay, sapagkat maaga pa lang ay binabagtas na niya ang iba't ibang barangay upang maglako ng kakanin sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng bansa para lamang sa aming ikabubuhay.


Dagdag pang pahirap ang walang humpay na dating ng mga modyul ng aking mga kapatid. Siyempre ako rin ang magtuturo sa kanila, bukod pa ang mga sasagutan kong sariling modyul na sadyang napakahihirap. At ang mga ’performance task’ na hindi ko alam kung paano gagawin, sapagkat kailangan itong gawin na naka-‘live’ sa ‘social media’.


"Oh, Misty, ikaw na ang susunod. Ihanda mo na ang sarili mo para sa ‘performance task’ ngayong araw. Galingan mo ang pagsayaw sa bangko ha," pautos na sambit sa akin ni Gng. Reyes.

"Heto na po ma'am, kikilos na po."


Isinet ko ang ‘camera’ ng aking selpon at itinipa sa ‘caption’ ang ‘last performance task of mine’.


Kaagad akong tumayo at naghanda. Kinuha ang bangko. Inilagay ito sa harap ng ‘camera’ at tumungtong dito.


"Ito na ang huling beses na gagawin ko ito," sambit ko sa ‘live broadcast’ bago tuluyang isinabit ang sariling leeg sa lubid sa kisame.


...

Young Pilipinas Flash Fiction

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page