Paubaya
Pagsintang hindi maaari,
Emosyong walang nagmamay-ari,
Halaga ko'y katumbas ng salapi,
Kapit—patalim saki'y gumagapi.
Usaping pagpapakahangal,
Itinaya ko ang aking dangal,
Inilaban kita sa Maykapal,
Hunghang man ngunit may pagpapagal.
Pag-iibigang tinututulan,
Magtatapos din—disinsana'y sinimulan,
Sinubukan nating ilaban,
Tutol man ang kalawakan.
Subalit tadhana'y namagitan,
Pilit pinag-agwat ng kapalaran,
Pagmamahalan hanggang dito nalang,
Mahal kita—subalit paalam.
-- a poem by Ronjo Cayetano
Ronjo Cayetano, 25 years old, from the province of Oriental Mindoro. He started writing poems when he was paralyzed and considers this hobby as a medication for his soul; to overcome depression.
Comments