top of page

Patay na Halik

Writer: Nerelyn FabroNerelyn Fabro


YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas

Pangarap ng isang bulilit sana bukas ay matupad;

laging nasa munting isip maging mahusay na pulis.

Kulong s'ya sa kahirapan, sa sakahan ay alagad,

gugol oras sa trabaho kahit ang swerte ay lihis.


Matayog man ang pangarap, nais n'ya pa ring maabot;

hinusayan sa pagsaka upang maahon pamilya.

At inani n'ya ang bunga, kasaganaa'y pinulot;

sa pag-aaral n'yang lubos, ngayon ay nakatapos na.


At pagiging pulis natupad sa murang edad na bente,

lubos ang ngiti sa muka siya ay ipinagmalaki,

ngunit tumangis pamilya nang may sakit s'yang kinubli,

sa paghimlay sa kabaong baril ay nilagay sa tabi.

Commentaires


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page