top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Pasko Na Muli



A poem about celebrating Christmas - Young Pilipinas Poems
A poem about celebrating Christmas

Nagbagong anyo ang kalyeng walang kolorete‚

ang dating walang kulay‚ ngayo’y naging pula at berde‚

ang mga christmas tree ay nagsimula nang umabante‚

’di na magtataka’t buwan na nga ng Disyembre.


Lumitaw ang mga parol‚ mahal man o gawa sa kawayan‚

kumikislap ang mga kalye’t mga simpleng tahanan‚

may nangangaroling na palaban sa kantahan‚

at ngayong pasko‚ ’di mawawala ang tagisan sa sayawan.


Bago ang damit at sapatos ng mga bata‚

natutuwa sa mga aginaldong kay ninong ay nakuha.

Kahit may problema ang tao’y hindi mahahalata‚

nagpapalitan pa ng regalo’t may ngiti sa mukha.


Sa Noche Buena ay magkakasama ang masayang pamilya‚

inihahain ang pagkain gaya ng keso de bola.

Pinatutugtog nang malakas ang pampasko na musika‚

kaya ang pasko sa bawat puso ng tao ay damang-dama.


Lahat ay nagdiriwang at nagbibigayan‚

ang diwa ng pasko’y ’di nakalilimutan‚

lahat ay masaya at ang Diyos ay pinasasalamatan‚

inaalala ang araw ng Kaniyang kapanganakan.



Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page