top of page
Writer's pictureColin Cris Celestial

Pasens'ya sa Presenya


YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas

T—ila tanikala ang tibok ng 'yong naghuhumerendang puso at bawat minutong lumilipas,

A—póg ko yaong bumadyang pangamba kahit batid ko na ika'y makapaghihintay pa,

G—itlá ma'y 'di sa 'kin bumalatay nang 'ko'y iyong titigan na puno ng pagtitiwala,

I—ninda mo ang namumuong tens'yon at kalauna'y natulos ka sa 'yong kinatatayuan sa nakita,

S—umibol ang bilugang buwan sa napakadilim na alapaap na may laksáng talang kumikinang,

A—tensiyon mo'y muling dumako sa 'kin at para kang kinapusan ng hininga sa pagkabahala,

N—anlamig ang 'yong balingkinitang katawan sa pagnasok ng nakasanayang presensiya.


N—angunyapit ka ng mahigpit sa 'yong rosas na kamisetang kupás bago pikit-matang inalis,

G—ahiblang lakas ng loob ay tinipon bago humilata't hinayaang daganan ng mapanira!


P—agmulat ng 'yong mga mata'y siyang pagkatulala sa 'king patpating mahabang kamay habang;

L—abas masok sa 'yong dinudustang hiyas ang walang-awang maskuladong nakadag-an,

U—ngol na pasiyók niring hayop na hayok ay sumabay sa tibok ng puso mong naghihintay,

M—unting ngiti'y sumilay sa 'yong labi nang eksaktong tumutok ang mga kamay ko sa nuebe y media,

A—t tuluyang natugunan ang mahabang pasens'ya sa presens'ya ng mga pulisya na huhuli sa 'yong mapang-alipustang ama.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page