Pasalubong
Kay tagal hinintay nina Lyca at ng kaniyang bulag na mama ang muling makasama ang kaniyang papa. Ilang taon rin kasi itong nangingibang bansa. Isa pa, naudlot din ang pag-uwi nito dahil sa pandemya.
Kahit na ganoon ay hindi nakakalimutan ng kaniyang papa ang magpadala ng "package" na naglalaman ng mga pasalubong para sa kaniya.
"Oh anak, binubukbok na ata 'yang padala ng papa mo ah. Ilang linggo na mula noong dumating 'yan. Bakit hindi mo pa binubuksan?" tanong ng kaniyang mama.
"Ma, sana bulag na lang rin po ako. Para hindi ko alam na si papa ang nasa loob ng silyadong kahon na ito."
...
Young Pilipinas Flash Fiction
Comments