Para sa’yo papa
Iba sa nakariwan ang nakagisnan kong buhay. Lumaki ako sa loob ng kulungan. Hindi dahil sa nakagawa ako ng kasalanan o ng kung ano pa man. Wala lamang talagang pamimilian. Kesa magpagala-gala ako sa lansangan at walang nag-aalaga o manatili ako sa tabi ng aking ama. Buti na nga lamang mababait ang mga pulis at hinayaan akong manatili sa loob sa piling ni papa. Subalit hanggang sa ako ay maglabinlimang taong gulang lamang.
Masakit man sa loob ko, kinailangan kong mabuhay sa labas ng piitan malayo kay papa. “Pa, pangako po. Babalik ako. At ilalabas kita rito.”
Sa loob ng halos dalawampung taon, nagsumikap ako upang matupad ko ang pangako ko sa kaniya. Naging isa akong tanyag na abugado na may puso at ipinaglalaban ang tama at karapatan ng taong pilit binubusalan ang bibig upang hindi lumabas ang katotohanan.
Mula sa pulpito, bilang abugado at tistigo ng aking sariling ama. Maluha-luha kong itinaas ang aking diploma. “Pa, ito na po ang pangako ko,” bulong ko sa sarili na alam kong naiintindihan ni papa habang naghahabulan ang mga butil ng tubig sa kaniyang mukha.
Kaagad kong inilabas ang lahat ng mga ibidensiya na matagal kong itinago. “Hindi si papa ang pumatay kay mama. Sila! Silang may sout ng tyapa na nagkulong kay papa.”
Comentarios