top of page
Writer's pictureColin Cris Celestial

Para sa Pangarap



Para sa Pangarap Young Pilipinas Flash Fiction
A twisted fiction between passion and practicality

Nang makapasok sa silid-aralan, mabilis pa sa alas-kwatro akong umupo sa upuan kung saan nakasulat ang numero na aking hawak. Ito ang aking pwesto para sa oras ng pagsusulit at eksaktong nakalapag na ang papel ng pinal na pagsusulit sa asignaturang siyensa o kilala bilang "Agham".


Nakapokus sa papel ang aking mga mata, hindi tinatangkang tapunan ng tingin ang mga katabi. Habang namumutawi ang katahimikan, inilapat ko ang pangalan na aking pagkakakilanlan at nagsimulang magsagot.


Ilang oras ang lumipas, nasa huling bahagi na ako ng pagsusulit.


Napangiti nalang ako sapagkat ito ay isang 'essay type' na kailangan itala kung ano ang plano ko sa hinaharap kung makatapos sa kursong ito. Buong puso ko itong sinagutan habang nakatatak sa aking isipan ang kagustuhang maging 'scientist'.


Matapos magsagot, binaliktad ko ang papel sapagkat kailangan iwan ito sa upuan kung tapos na. Nang gawin 'yon ay agad akong tumayo at lumabas sa silid upang tumungo sa labas ng paaralan.


Sumilay ang tipid kong ngiti nang salubungin ako ni Aaron at tinapik ang aking balikat.


"Kamusta? Sa talino mong 'yan, alam kong matutupad na ang pangarap kong maging scientist dahil makakapasa ako." aniya at ini-abot sa akin ang perang bayad sa pagsagot ko sa kaniyang pagsusulit.


Para sa pinansiyal na pangangailangan, sinungkit ko ang aking pangarap na mapupunta lang sa iba.

...

Para sa Pangarap by Colin Cris Celestial

コメント


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page