Para sa Magiging Ako
Ipinagmamalaki kita, sa'yong narating,
Sa hindi mo pagsuko sa pag-abot sa mga bituwin,
Sa patuloy mong paggawa sa'yong mga tungkulin,
Sa hindi mo pagpapadala sa bugso ng damdamin.
Ipinagmamalaki kita, sa pagyakap mo sa'yong kahinaan,
Ginamit mo itong sandata na nagbigay sa'yo ng kalakasan,
Hindi ka nagpatinag sa pagsubok ng mundo,
Ginawa mo ang lahat upang maabot ang dulo.
Ngayo'y hawak mo na ang libro mong pinangarap,
Mga aral at kuwentong bunga ng 'yong pagsisikap,
Nakaahon ka na sa putik—noong kabataan mo'y nagpahirap.
Masaya ako ngayong naabot mo na ang ulap.
Salamat, sa pagtitiwala sa'yong sariling kakayahan,
Sa pagtanggap sa sariling kahinaa't kapintasan,
Sa patuloy mong paglinang sa samu't saring kaalaman,
Salamat sa katatagan na naging tulay mo sa kaginhawaan.
....
A Young Pilipinas Poem
Comments