top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Panibagong Pag-asa



New hope for new leaders poem
New hope for new leaders poem

Parang pahina sa isang libro‚ ang kuwento ay magtatapos na‚

sa pangulong minsang naghari‚ ang korona’y ipapasa.

Sa loob ng anim na taon‚ binalot din tayo ng pagkakaisa‚

kaya sa susunod na uupo‚ sana gisingin muli tayo ng pag-asa.


Muling magbibihis ang Pilipinas‚ magpapalit ng kapalaran‚

pipilasin ang nakalipas at duduyan sa kasalukuyan.

Sa darating na eleksyon, doon na magkakaalaman‚

kung sino ang bagong lider na hahawak sa kamay na makapangyarihan.

Nawa maisakatuparan ang mga ipinangakong plataporma‚

ihahain sa mamamayan ang buhay na masagana‚

gagawa ng kadenang gagapos sa pagkakaisa‚

hindi maghihiwalay‚ lalaban bilang isa.


Aasang unti-unting masusugpo ang krimen at kagutuman‚

mabubura ang korapsyon gayundin ang kahirapan.

Hangad na masilayan ang ngiti sa bawat mamamayan‚

’pagkat iyan ang inaasam-asam noon pa man.


Sisilay muli ang panibagong pahina‚

ang oras para bitawan ang nakaraan at muling huminga.

Isang bagong bukas na sasalubong sa isang umaga‚

sa isang bagong mga lider‚ sisikat muli ang bagong pag-asa.

0 comments

Related Posts

See All

Comentários


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page