Pangarap Kong Pangarap Nila
Matagal kong pinag-isipan ang sagot,
isa, dalawa, tatlo— tatlong ulit sapagkat kalaban ko ay takot,
susundin ko ba ang utos ng utak upang makamit ang kanilang nais,
o hahayaan na lang ang sarili kung ano ang ibibigay ng langit?
Ayaw kong biguin sina mama at papa, sa kanilang mga pangarap,
sa inilatag na bukas upang magtagumpay sa hinaharap,
subalit paano ko namang tutuparin ang lahat?
Gayong hindi kaya ng utak ang nais nilang ulap.
Minsan ko nang tinangka ang gumawa ng kodigo,
kung hindi nama'y ihikap ang tingin upang sagutin ang panuto,
subalit pinipigilan ako ng kahihiyang maaaring manyari,
pero gusto kong pasayahin ang magulang na sa akin ay nagpalaki.
Nais kong marinig ang mga katagang “proud kami sa'yo anak”,
at ayaw ko rin namang marinig na “hindi ka namin pinalaking mayroong mandarayang utak”.
Paano ko kalalabanin ang isipang mapagpanggap,
paano makawawala sa ‘preasure’ na sa akin ay nagpapahirap?
Saan ko paghahahanapin ang sagot?
Hindi ko alam kung mapagtatagumpayan pa itong takot.
kasiyahan hindi kahihiyan ang tangi kong nais,
tulungan nawa ako ng mahabaging langit.
...
Comments