top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Pandemic



Binasag mo ang katahimikan,

Binalot mo sa takot ang sangkatauhan,

Nagsimula kalang sa isa,

Ngayon libong tao ang 'yong napinsala.


Gaano kaba kabilis?

Pakisukat nga baka masyado ka nang lumabis.

Teka! virus hindi pa kami handa,

Nasan kana ba? Baka pwede magbilang ka muna.


Isa— dalwa hanggang sampo,

Baka naman pwede muna kaming magtago.

Nakakatakot na kami ay 'yong mahuli,

Tiyak lalayuan din kami ng marami.


Bilang ka muna hanggang sampo,

Bigyan mo kami ng pagkakataong magtago.

Pero bakit ang daya; hindi ka nagbilang para kami ay makapaghanda.

Kase ang binilang mo ang padami na padaming buhay na 'yong nasalanta.


Ang bilis mong makahanap ng matataya,

Buhay naman naming 'tong nakahaya.

Kapalit ng pagkahuli mo ay piligro,

Pakiusap ambunan nawa kami ng milagro.

Teka muna! sandali!

Bakit ganyan nalang ang yong galit at wala kang pinipili?

Isa kabang sumpa na tao ang gumawa o isa kalang sakit na hindi sinasadya?

Pero sana tapusin mo na.

Huwag ang buhay ng madla,

Kundi ang 'yong pamiminsala.

Binalot mo na kami sa takot at pangamba,

Natuto na kami kaya pakiusap tama na.


Madami na ang nangamatay; libo parin ang nag-aagaw buhay,

Masdan mo ang 'yong ginawa; 'di kapa ba nagsasawa?

Ilang inosente pa ba ang ang madadamay?

Sa labang walang kasiguraduhan sa tagumpay.


-- a poem by Ronjo Cayetano

Ronjo Cayetano, 25 years old, from the province of Oriental Mindoro. He started writing poems when he was paralyzed and considers this hobby as a medication for his soul; to overcome depression.

0 comments

Commentaires


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page