top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Panauhin


A poem about how a simple person became a writer.
A poem about how a simple person became a writer.

Mapanglaw ang gabi, kahit ang buwan ay nag-iisa,

nahihiya ang bituin, tahimik ang mga kuliglig,

kulay itim ang langit, walang ulap na nagmamartsa,

dumagdag ito sa pagkabagot, lungkot ay nagligalig.


Ngunit nabigla ako nang may nanghipo,

inakala kong multo 'pagkat ang lamig ay ramdam,

nabaling ang tingin ko sa mesa, mayroong pluma ngunit nagdurugo,

ako ay nagtaka at nilapitan nang walang alam.


Umupo ako sa salumpuwit at may papel ding nabanaag,

tumatangis ang pluma, gaya ko ring nasasaktan,

hinawakan ko ito't nagsimulang sumulat

at sa isang kislap, napunta ako sa mundo ng panitikan.


Kumatok sa puso ko ang prosa at hinatak ako sa dimensiyong kakaiba,

doon ay nakilala ko si Kwento, natutunan kong maging malaya't maglabas ng nadarama;

nakilala ko rin si Alamat at hinaplos nito ang aking damdamin

at tila ba dito nagsimula ang "Alamat ng Pagsinta sa Pagsusulat"


Binisita rin ako ni Tula at sa rikit nito'y agad akong napatulala,

niyakap n'ya ang aking puso at pinasyal n'ya ako sa tugma,

pinakita n'ya sa akin ang mga tayutay at magarbong talinghaga,

at doo'y nabanaag ko rin ang mga bagay-bagay na maaaring gawing paksa.


Sila ang aking panauhin na 'di ko pinagsisihang pagbuksan,

inaaliw nila ako sa mga letrang 'di mahanapan ng hanggan.

Kung bibisita man muli ay muli't muli ring papapasukin,

'pagkat ako'y napaibig sa iba't ibang klase ng panitikan.


Sila ang aking panauhin, hinahatak ako sa ibang dimensiyon,

sila ang dahilan bakit maninulat ako ngayon.

At kahit ako'y nag-iisa, 'di kailangan ng inspirasyon,

'pagkat maaari akong maglakbay sa malawak kong imahinasyon!


...

Young Pilipinas Poetry

1 comment

1 Comment


Unknown member
Oct 07, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page