Panandaliang Biyaya
Limang taon din kaming hindi tumigil ng aking asawa sa pagpapabalik-balik sa Obando Bulacan. Naniniwala pa rin kasi kami at umaasang pagbibigyan ang aming hiling na biyayaan kami ng anak.
Hindi nga kami nabigo sa aming pananampalataya. Dahil nagbuntis ang aking asawa at biniyayaan kami ng isang anak.
Subalit simula nang isilang ng aking asawa ang aming anak ay nagbago na ang lahat.
Nawalan na ng katahimikan ang aming tahanan dahil halos maya't maya ang dating ng mga taong kung anu-ano ang pinagsasasabi sa akin.
"Kadyo, ilibing mo na 'yang mag-ina mo. Tatlong buwan na silang patay, maawa ka naman sa sarili mo."
...
Young Pilipinas Flash Fiction
Comments