Pamana
Ang bansang Pilipinas
Mga naniniraha'y may prisipyo at kaisipa'y may talas.
Talastas ang tikas sa pag-ibig ay wagas,
Lantad na pang-unawa ang panulat ay lakas.
Filipino ang lahing pinagmulan
Hindi pasasakop kahit sa mapag-angking dayuhan.
Gamit ang panulat ipagtatanggol ang lahat,
Dadalisay sa marungis—iaangat ang salat.
Tulad ng sikat na tulang Kundiman
Ang letra at tinta ay isang paraluman.
Iniingata't pinahahalagahan ng isang makata,
Itinuturing na kayamanan aral sa bawat salita.
Manunulat ang sa bayan ay nagpalaya,
Tula nila ang dahilan kung bakit may salitang paraya.
Talentong hanggang ngayon ay namamayagpag,
Pamanang patuloy pa rin na nagbibigay ng liwanag.
...
Young Pilipinas Poetry
Comments