top of page
  • Writer's pictureNerelyn Fabro

Palaging Ikaw


Palaging Ikaw (Wedding Vow Poetry) by Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)
Palaging Ikaw (Wedding Vow Poem) by Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)

Ikaw ang rason kung bakit parang tanga akong ngumingiti nang walang dahilan,

ang rason kung bakit ang buhok ay bigla-bigla na lamang sasabunutan.

Ikaw ang rason kung bakit ako tinutukso ng mga kaibigan,

ang rason kung bakit baliw na kinikilig kapag naririnig ang 'yong pangalan.


Ikaw ang dahilan kung bakit ang demonyo noon ay bigla na lamang naging malambing,

at kung dati ay tulog mantika, ngayo'y maaga ng nagigising.

Ikaw ang dahilan kung bakit sa kasiyahan ay nalalasing,

natutong mangarap na panghabambuhay kang makapiling.


Ikaw ang kahulugan sa mga tanong na paano at bakit,

ang aking naging gamot sa damdamin kong minsang nagkasakit.

Ikaw ang kahulugan ng "pag-ibig" na 'di sa akin 'pinagkait,

nangako kay Bathala na kung maging akin ka'y 'di ka ipagpapalit.


Ang maamo mong mukha ay palagi kong hinahanap-hanap,

tumitigil ang mundo sa t'wing inaalayan mo ako ng yakap.

Tunay kitang iniibig at walang halong pagpapanggap,

t'wing kakuwentuhan ka, sa pakiramdam ay masarap.


Sa 'yo ko naramdaman itong estrangherong saya,

ikaw tanging nagparamdam sa 'kin na ako rin ay mahalaga.

Sa 'yo ko naramdaman ang ngiting kakaiba,

na para bang sa isang mensahe mo't tawag ay may nakatagong mahika.


Wala na akong balak pang bitawan ang bituing nasungkit sa kalangitan,

kung sakaling pakawalan ka ay isa 'yong kapalpakan,

pangakong gagawin kang reyna sa gagawin nating kaharian,

at ngayong narito na tayo sa simbahan, maaari na ba kitang halikan?

1 comment

1 Comment


Unknown member
Jun 30, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page