top of page

Palagi Kitang Paninindigan

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

Young Pilipinas - A poem about love that turns into marriage
A poem about love that turns into marriage

Gusto kitang pasayahin kapag ikaw ay nalulungkot‚

ginaganahan akong mang-asar sa tuwing ika’y nakasimangot‚

hahanapin ko ang ’yong kiliti kapag ’di ka tumatawa‚

yayakapin kita nang mahigpit ’pag pangit ang ’yong awra.


Kahit ikaw ay nang-aaway‚ nangangagat at nananakit‚

bigla-biglang nanununtok at palaging galit‚

palagi ka mang maldita at malakas kung manlait‚

asahan mong hinding-hindi pa rin kita ipagpapalit.


Ikaw ang paborito kong kasama kapag naglalakbay‚

kahit pa nasa publiko‚ hahawakan ko ang ’yong kamay‚

manonood tayo ng sine‚ maglalaro at kakain sa karinderya‚

pupunta na lang tayo ng dagat kapag naubusan ng pera.


Ipagmamalaki kita sa pamilya ko at mga kaibigan‚

’di kita ikakahiya dahil ikaw ang aking kamahalan‚

susuportahan kita palagi sa ’yong mga pangarap‚

sasamahan ka sa saya o kahit tayo ay maghirap.


At ngayon na kulay puti ang suot mo at may hawak na bulaklak‚

sa paglakad mo sa simbahan ay unti-unti akong naiiyak‚

’di lang ako makapaniwala na tuluyan ka nang magiging akin‚

ikakasal na tayo kahit marami ang pinagdaanan natin.


Magiging mabuti akong asawa‚ ’yan ang asahan mo‚

parte ka na ng buhay ko at masayang-masaya ako‚

habang buhay na ito at hindi ka na pakakawalan‚

’di ba sabi ko naman sa’yo‚ ikaw ay aking paninindigan.


...

Palagi Kitang Paninindigan - Young Pilipinas Poetry

Written by Nerelyn Fabro

A poem about love that turns into marriage

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page