top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Pakikipagsapalaran Sa Lupa



YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas

Animo'y D'yos—kasikatan kung sambahin, kung luhura'y banal—alay ay dalangin.

Mistulang kalawakan kung tingalain, balatkayo—ika'y holen sa paningin.

Tulad ng pader na pangontra sa hangin, galit na buhawi'y kaya kang tibagin.

Magpakatibay ka man dito sa lupa, ika'y mabubulid parin sa buhangin.


Gaya ng kidlat na lintik—Kanyang galit, sa alab na apoy kaya kang itapon.

Katulad ng matuwid na taga hukom, sala'y lilitisin sa takdang panahon.

Tulad ng agilang 'kinulong sa hawla, ika'y palalayain—buti'y 'padayon.

Katawan man ay bumalik sa alabok, ika'y iniintay—pusong may hinahon.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page