Pahinga para sa Daigdig
Naghahanap ng pahinga ang mundo‚
araw-araw na lamang mulat ang mata‚
walang tulog at pinapagod sa serbisyo‚
laging bukas ang ilaw at mga gasera.
Bigyan muna ng pansamantalang katahimikan‚
patayin ang liwanag kahit sa oras na kaunti‚
magtiis muna saglit sa dilim‚
upang sa mundo ay makabawi.
Ang usok na sinisinghot ng planeta’y ating bawasan‚
pahintuin ang pag-andar ng mga pabrika‚
ang polusyon na nililikha ay saglit na tigilan‚
upang ang tahanan ay maayos na makahinga.
Animnapung minuto ay isakripisyo para rito‚
alalahanin din ang kalagayan ng ating mundo‚
upang mabawasan ang pagbabago ng klima‚
dahil sa atin din babalik ang magiging resulta.
“Earth Hour‚” ay atin munang sundin‚
para sa kapakanan ng ating tinitirhan‚
makiisa at makisama ang dapat pairalin‚
para sa ikabubuti rin ng ating kalagayan.
Comments