Pahimakas sa Pag-iibigang Lumipas
Bata pa lamang ako noong sinabi ko sa 'king sarili na ikaw ang gusto,
Kahit maraming tao ang hindi sumasang-ayon dito,
Hindi ako huminto bagkus ako'y lalong naging seryoso,
Umabot ng taon ang pagkahumaling ko sa iyo.
Itong nararamdaman ay aking inamin sa pagsapit ko ng labing pitong taon,
Hindi nagpapigil sa mga taong walang ginawa kung hindi hadlangan ang aking desisyon,
Ikaw ay nagulat, hindi mo alam kung ano ang mararamdamang emosyon,
Sapagkat pag-ibig ko sa iyo ay binigyan mo pa rin ng panahon.
Naging tayo at walang makakapigil sa ating pagsasama,
Kahit sabihin pa ng iba na ikaw ang aking ama,
ikaw ang una kong pag-ibig at pinapangarap ko na ikaw na rin ang panghuli sana,
Sinamahan, inalagaan mo ako simula pa noong ako'y bata.
Dumaan ang maraming taon at tayo ay nanatiling matatag,
Marami mang problema—hindi tayo nagpatinag,
Naging ama ka at ikaw rin ang naging una kong kasintahan,
Inaamin kong iniisip ko na ikaw rin ang aking magiging asawa.
Nagbago ang ating turingan noong dumating siya,
Isang dalaga na may angking ganda,
Ako ay nakaramdam ng selos sa kanya,
Dapat ako lang ang maganda sa iyong mga mata.
Lumabo ang ating samahan parang wala ka na ngang kasintahan,
Nakalimutan mo na rin ang iyong anak sa iyong tahanan,
Mas nakakasama mo siya ng madalas,
Mas binibigyan mo na siya ng oras.
Napaisip ako, kailangan ko na bang tumigil?
Mali nga ba ang maging tayo, ama at sa bugso ng damdami'y hindi nagpapigil.
Sapagkat ako ay iyong anak at tayo ay pamilya,
Kahit kailan mali tayo sa mata ng madla.
Kaya nagdesisyon akong ikaw ay pakawalan,
Bilang ama ko at aking kasintahan,
Hahayaan na kitang mananahan sa ibang tahanan,
Kaya ko na ang sarili ko na alagaan.
Habang 'sinusulat ko ang tulang ito,
Kasabay na tumumulo ang mga luha na nakaimbak sa aking puso,
Biglang nanumbalik ang sakit,
Biglang naramdaman muli ang paghihinagpis.
Kasabay pala nang pagpapalaya ko,
Ay ang katotohanang kakalimutan mo na rin ako,
Ayos lang sana kung binaon mo, na tayo ay magkasintahan,
Ngunit inilibing mo narin ang katotohanang ako ay iyong anak na dapat mo ring alagaan.
Ito na ang huling iisipin ko—ang nakaraan,
Oras na para ako ay magpatuloy at hanapin ang aking kasiyahan,
Nawalan man ako ng kasintahan at ama,
Ayos lang kaya ko nama na ang mag-isa.
Paalam sa ating pagsasama,
Bilang magkasintahan o mag-ama,
Sana ikaw ay masaya at payapa,
Sa muli nating pagkikita, papa.
...
Young Pilipinas Poetry
Comentarios