top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Pagtanggap sa Katotohanan



A poem about accepting - Young Pilipinas Poetry Nerelyn Fabro
A poem about accepting

Mabigat ang bumitaw sa taong nakasanayang makasama‚

’di mo man nakakatabi‚ mangmumulto naman ang alaala.

Mabigat ang pamamaalam kung alam mong permanente na‚

hindi na magbabalik kahit sa bituin ay humiling ka.


Mainit man ang bawat patak ng luha sa iyong mga mata‚

ngunit kung hahawakan mo ang kamay niya’y malamig na.

Nakangiti man siya sa litrato’t tanaw kung gaano siya kasaya‚

ngunit sa kabaong‚ wala na siyang madarama.


Mamaos ka man sa pagsigaw na sana’y bumangon siya sa himlayan‚

ngunit ’di niya maririnig kahit gawin mo ’yan magdamagan.

Maaalala mo siya palagi at tila malabong malimutan‚

ang pagkawala niya’y parang pagkawala rin ng iyong katauhan.


Ngunit ang kailangan lang gawin ay pagtanggap sa katotohanan‚

upang ang bigat na nararamdaman ay unti-unting mabawasan.

Isipin na masaya na siya sa kaniyang pamamahinga‚

kaya kailangan mo na ring tanggapin ang pagpanaw niya.

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page