Pagsusugal
Isusugal ko pa ba ito
O tama na ang pagtakbo?
Wala man tayong imik
Paligid man ay sobrang tahimik
Talagang ramdam ko na
Na ang lahat ay nagwawakas na
Isusugal pa ba natin ang natitira
O tayong dalawang dalawa ay lalarga
Sa kanya-kanyang destinasyon
Malayo sa pinangarap at binuo nating aspirasyon
Isusugal pa ba ang lahat
O susulat na ng panibagong aklat?
Aklat na may kanya-kanyang istorya
Na walang kinalaman ang isa't-isa
Isusugal pa ba ang kakaunti?
Kakaunting saya pero lamang ang hapdi
Na parang wala nang makakapawi
Ng lahat ng sakit, lungkot at pighati
Huwag na, huwag na tayong magtangkang magsugal
Dahil mga pusta natin ay di na rin magtatagal
Tama na, tama na ang saya ng kahapon
At sa mga naibigay sa atin na mga magagandang pagkakataon
Salamat sa mga alalang nakasama kita
Mami-miss ko ang mga ngiti ng iyong labi at mga mata
Salamat sa mga kuwentuhan at lambingan
Pati na rin mga kulitan na nauwi sa pikunan
Sana huwag mong madaliing kalimutan
Na tayo ay minsang naging magkaibigan
Na nauwi sa matamis na pagkaka-ibigan
Na kahit ang dulo nito ay malungkot na hiwalayan
Ang naging kuwento natin ay ating ipagpasalamat at ipagdasal
Huwag na natin itong pilitin pang isugal
...
First posted on Youtube - Neil Gregori Garen
コメント