top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

Pagsuong sa Bulahong Hapila


YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas

Tarundon man patungo sa Iyo'y isang daang lubak-lubak, bulaho't puno ng balakid,

Pananampalataya'y panghahawakan; aking matatag na sandigan sakaling mabulid.

Tulad ng makapal at matibay na tsinelas na proteksyon sa 'king sensitibong talampakan,

Paniniwala ko'y isang kalasag na mag-iingat; dumatal man ang unos hindi ako panghihinaan.

Subukin man ng delubyo ang tinatahak kong landas sa 'king paglalakbay,

Makarating lang sa kandungan Mo Panginoon handa akong magpasakit at itaya aking buhay.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page