top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

Paglisan


Paglisan (A longing for love poem) by Ronjo Cayetano
Paglisan (A longing for love poem) by Ronjo Cayetano

Pasakit ko ba ay mayroon pang katapusan,

kung sa bawat pagpikit ng aking mga mata'y mukha mo ang nasisilayan?


May saysay pa ba ang pagpupumilit kong kalimutan ka,

kung sa bawat paglingon ko'y naroon ka pa?


Paulit-ulit ko mang tangkaing lumayo sa'yo,

bumabalik pa rin ako sa mga alaala ng dating tayo.


Umaasang mayroon pang pag-asang magbalik ka kahit pagitan natin ay langit at lupa,

na siyang magbabalik ng ngiti sa'king mga labi at magpapaaampat nang pagpatak ng aking mga luha.


Tanga ba akong maituturing,

kung ang tanging nais ko lang ay magbalik ka sa aking piling?


Hinamak natin ang lahat,

upang ipaglaban ang pag-iibigang humigit pa sa sapat.


Subalit nauwi rin ako sa pag-iyak,

dahil sa iniwan mong sakit na sa akin ay nagpawasak.

Marahil ganoon nga talaga kita sobrang kamahal,

presensiya mo'y nanatili pa rin kahit pananatili mo'y hindi nagtagal.


Hindi ko na alam kung paano akong magsisimulang muli,

o kung kakayanin ko bang magsimula ulit?


Kung sa bawat pagtingin ko sa mga ulap,

pighati lamang ang tangi kong nalalasap.


Ibinigay mo ang pagmamahal na hanggang langit,

subalit paano ko pa itong muling makakamit gayong na'ndiyan ka na sa langit?

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page