Pag-ibig sa Tula Medisinang Kinatha
Ladlad man sa dusa at kalungkuta'y tumutuligsa,
Damdaming pinanghihinaan at isipang napaparalisa,
Hindi susuko—sa laban ko'y hindi ako nag-iisa,
Pag-ibig sa tula ang medesinang sumagip sa 'king pagkabalisa.
Tula ko'y bubuyog na bumubulong; emosyong gamot na nakahihilom,
Paksa'y patalim na tumatabak, lumuluray sa pusong matigas,
Tinta ng pluma'y sinag na nagliliwanag—aral sa talata'y apoy na naglalagablab,
Malabis na kalungkuta'y ibong umaalpas; sa 'king tugma—laladlad ang bagwis mo't lilipad.
Opmerkingen