Oportunidad
Bitbit ang lakas ng loob at mga pangarap,
maleta'y pinapagulong upang makaahon sa hirap.
Para sa mga mahal sa buhay pinipilit tumayo,
mahirap man ang mag-isa kailangang lumayo.
Iiisantabi ang lungkot
lalabanan ang pangungulila.
Hindi papadala sa takot
lakas ay galing kay Dakila.
Sila'ng mga bagong bayani sa lupain ng dayuhan,
titiisin ang pasakit nang umahon sa kahirapan.
Ilang mga mahal pa ang kailangang lumisan,
magsakripisyo at maghirap sa malayo—maging turista sa sariling bayan?
Hiling ko lang sana dumating din ang araw,
oportunidad sa sariling bansa sana ay mag-ilaw.
Trabahong may sapat na sweldo at walang dehado,
Trabahong walang koneksyon lahat ay obligado.
Upang hindi na kailanganin ang lumayo't umalis,
para sa kaginhawaan at katiwasayang nais.
Upang hindi na danasin pang-aalipusta't maltrato,
Nang ang mga mahal natin sa buhay ay malayo sa peligro.
...
Young Pilipinas Poetry
Commenti