top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

OK na si Papa


YoungPilipinas.com Filipino Flash Fiction - Young Pilipinas Ronjo Cayetano

Isa si Papa sa mga OFW na lulan ng barkong galing Japan, na kinailangan ng bumaba sapagkat isa siya sa hindi nakaligtas sa sakit na Corona Virus.


"Mama, kumusta na po? Kasama mo na si Papa?" tanong ko kay mama habang kausap siya sa telepono na kasalukuyang sinusundo si Papa.


"Oo 'nak, heto't kasama ko na siya. 'Nak baka dito muna ako mga ilang linggo. Sasamahan ko ang papa mo rito, ikaw na muna bahala riyan," sagot sa'kin ni mama.


***

Tatlong linggong namalagi si mama sa Maynila sa isang quarantine facility para alagaan si papa. Matapos ang tatlong linggo ay tumawag sa'kin si mama na uuwi na daw sila.


***

"Ma! Salamat naman po nakauwe kana. Si papa po ok na ba siya?" bungad ko kay mama.


"Oo nak, ok na," tugon ni Mama habang naglalakad patungong altar; at duo'y inilagay ang isang maliit na tapayang marmol kasama ang isang kandila tsaka sinindihan.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page