top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Oil Price Hike


The effect of war comedy fiction
The effect of war comedy fiction

Naging mitsa ang hindi pagkakasundo ng Ukraine at Russia ang digmaan mula sa dalawang bansa. Dahil dito, naging usap-usapan na maaring magkaroon ng ikatlong pandaigdigang digmaan. Nabalot ng takot at agam-agam ang marami sa pagputok ng balitang ito.


Bagaman hindi na tuluyang lumawak pa ang giyera mula sa dalawang bansa, naging malaki ang epekto nito sa pagtaas ng mga produktong mula sa labas ng bansa. Dahilan na rin sa pag-‘hohold’ ng mga mamumuhunan at may produktong bansa. At isa na nga rito ang mabilis at malaking pagtaas ng langis at gasolina. Kaya naman apektado talaga ang mamayan lalo na ang mga nasa babang lipunan. Isa na ang magkaibigang motorista na sina Tairiel at Misioncio.


“Pre, grabe na talaga ang nangyayari ngayon sa mundo ano? Pati tayong mga normal na tao ay apektado na,” sambit ni Tairiel sa kaniyang kaibigan.


“Kaya nga pre, lalo na sa biglaang pagtaas ng langis at gasolina. Malaking problema ito sa atin,” tugon naman ni Misioncio.

“Mukha namang hindi ka namomroblema sa langis pre, ah,” muling sambit ni Tairiel.


“Ha? Bakit Naman?” pagtatakang tanong ni Misioncio.


“Ayan ang pruweba oh, tumatagas ang langis mula sa mukha mo.”

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page