top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Naudlot na Pag-ibig


A parents' separation that affects the child poem
A parents' separation that affects the child poem

Hindi na ngalan niya ang nakaukit sa damdamin,

kalmado na ang 'yong isip, malaya sa suliranin,

ang mga planong binuo, pinalipad na sa hangin,

nararamdaman sa kaniya'y di na sing lalim ng bangin.


' Di mo na nais ang pag-ibig na siya ang nagtimpla,

kahit sing tamis ng asukal, pait na sa 'yo ang lasa,

hindi na siya ang pinagkukunan mo ng enerhiya,

napagod ka nguni't sa iba ka na nagpapahinga


Marahan mo ng nililisan ang nakasanayang tahanan,

mas gumagaan ang 'yong puso kung ibabaon sa nakaraan.

Ayaw mo ng maging panyo kapag' di sya tumatahan,

kahit maga na ang mata niya, wala ka ng maramdaman.

Nang tinulak kayo ng problema, mas pinili mong dumapa ngunit siya'y bumangon, nagbabakasakaling maisasalba pa ang inyong relasyon. Sumusuong pa rin siya sa naglalakihang alon, ngunit mas pinili mong gumamit ng bangka at pag-ibig mo'y tinapon. Iniwan mo siyang puno ng pagdududa hanggang kainin siya ng lungkot, ang pangarap niyang paraiso ay naging isang bangungot. Iniwan mo siya ngunit hindi mo man lang iniwanan ng gamot, sa nagdurugo niyang puso, hindi magiging sagot ang paglimot. Kinasal nga kayo ngunit hindi kayo umabot sa dulo nang magkasama, sa litrato na lamang makikita ang ngiti ninyong masaya, matapos mong matikman ang katawan ni mama, ang tanong ko lamang, "papa, sino na ang kikilalanin kong ama?"


...

Young Pilipinas Poetry

1 comment

1件のコメント


不明なメンバー
2021年11月30日

💛💛💛

いいね!

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page