Natatanging Bansa
Sinong makapipigil? Sinong makahaharang?
Sinong makatatalo sa bayan kong hinirang?
Sinong makapagpahihinto ng pag-ibig ko sa 'king mutya,
hamakin man ako ng lahat, 'di ko 'to ikakaila!
Sinubok ng digmaan ngunit tuluyang nakaahon,
inalagaan ng Pilipinong na sa lakas ay kampeon.
Naligo sa pang-aalipusta, langgam na naturingan,
ngunit tignan niyo ngayon, 'di na kayo aatrasan.
Sinong makapagpapabagsak? Sinong makapagpapaiyak?
Ang sagot ay wala! Kayo lamang ay papalpak.
Magigiting na bayani, rito lamang matatagpuan,
isama pa mga pagkain, tumatanggal sa gutom ng tiyan.
Dinadayo na ng banyaga na kung noon ay pinatatalsik ang dugo,
tila ang ihip ng hangin ay nag-iba at ang bangis nila ay naglaho.
Tanawin sa aking bansa, panalong-panalo sa puso ng mata,
saan ka makatatagpo ng payapang lugar? Sa Pilipinas lang 'yan, aba!
Comments