top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Nasa Kamay



A poem about electing the right persom - Young Pilipinas Poetry
A poem about electing the right person

Ang kasunod ng pagkasanay ay pagkasawa —

masasanay tayo sa mga bagay na paulit-ulit na nakikita,

at kapag tumagal na'y makararamdam ng pananawa,

ngunit hindi ba't sawa na tayo na ibinababa, bakit ibinoboto pa rin ang walang nagagawa?


Puro matamis na pangako't mapanghikayat na platamorma,

mga tarpaulin at pangalan ay ibinabandera,

binibili ang boto't nagtatapon ng pera,

wala namang sakuna ngunit mayroong ayuda.


Lagi't lagi silang nakangiti t'wing buwan ng Mayo,

ngunit leon na mabangis 'pag nakaupo na sa pwesto.

Lagi't lagi nilang bitbit "may magaganap na pagbabago."

ngunit sila itong nagbago dahil nag-iba ang pagtrato.


Naging mansyon yata bigla ang bahay nilang dati ay munti,

naging mataba ang bulsa mula sa ninakaw na salapi.

May mga nagugutom na't walang makain at tirahan,

mayroon naman silang mata ngunit nagbubulag-bulagan.


Kaya sa susunod eleksyon, sapat nang pagbatayan ang nakaraan,

minsan na tayong naloko, huwag na ulit hahayaan.

Sanay na tayo sa kanilang pangako at nasawa na sa kinahantungan,

kaya't ang boto nati'y ibigay sa mas may karapatan.


Nasa atin nakasalalay ang uupo sa upuan,

ang isang boto natin ay labis ang kahalagahan,

huwag sanang maligaw at maging mulat sa katotohanan,

dahil sa isang maling galaw mauulit na naman.



...

Young Pilipinas Poetry

1 comment

Related Posts

See All

1 Comment


Unknown member
Nov 30, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page