Nasa ating Kamay
Nang sila’y isinilang‚ may taglay ring kahinaan‚
mga musmos na bata‚ maging kababaihan‚
kapahamakan at karahasan‚ sa kanila’y nakatali‚
kaya’t kaligtasan nila’y laging nababali.
Madalas na biktima‚ noon pang kasaysayan‚
nakalulungkot at nakaaawa ang sinasapit na kalagayan‚
diskriminasyon ay nakatutok sa kanila palagi‚
kung kaya’t sa ibang larangan‚ hindi nagwawagi.
Pinagkakait sa kanila ang sariling karapatan‚
tulad ng edukasyon‚ kalusugan at pantay na kabuhayan‚
sa kanila nakasentro ang pang-aabuso‚
at nakakadena na rin sa paa ang mga peligro.
Ngunit salamat sa mga programa na umusbong at inilantad‚
ang matagal nilang hiling‚ sa wakas ay natupad‚
itinaguyod ang kabutihan para sa kanilang kapakanan‚
upang siguradong ligtas sa kinabibilangang lipunan.
Mga bata at kababaihan‚ tunay rin na dapat ingatan‚
bigyan ng boses at suporta para sa kanilang kaligtasan‚
’pagkat sila ay tao na dapat ilayo sa delubyo‚
ngunit nasa atin ding kamay kung bibigyan natin ng tamang pagtrato.
...
Nasa ating Kamay by Nerelyn Fabro
コメント