Naputukan
Umupo ako sa tabi ni Tatay nang masipat kong umiiyak siya.
"Huwag ka na mag-alala, Tay. Naputol man ang aking hintuturong daliri dahil sa paputok noong bagong taon ay hindi ito hadlang sa aking pangarap—"
"MANAHIMIK KA!"
Natigilan ako nang sigawan niya ako sa galit na ikinatakbo ko sa bodega upang magmukmok subalit nakita ko ang tinatagong baul ni tatay. Ang bagay na ayaw niyang ipabukas kahit kaninuman
Binuksan ko ito sa aking galit ngunit nagulat ako sa nakitang singsing. Namuo ang selos sa aking dibdib.
Akmang itatapon ko ito sa'king galit at selos nang pumasok si tatay, "ang lakas ng loob mong itapon ang mahalagang bagay sa akin!"
Napahikbi ako sa selos nang hiklatin niya sa'king palad ang singsing na para sa paa ng manok niyang namatay sa paputok noong naputukan din ang aking daliri.
...
Young Pilipinas Flash Fictions
Comments