top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Nang Lumaban ang Itim


YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas

Kulay ko ay naiiba, kinatatakutan ng ilan,

nandidiri sa akin at awtomatikong nilalayuan,

sing kulay ko raw ang uling kaya gano'n pagtawanan,

oo nga't maitim ngunit ako rin ay nasasaktan.


Mapuputing lahi ay walang awa at ginawa akong utusan,

'di naririnig ang aking laging bigkas—KALAYAAN,

pantay na oportunidad ay hindi ko mahawakan,

sa kulay ko raw kasi parang gagawa ng kasamaan.

Ngunit 'di lamang pala ako ang nakararanas ng ganito,

marami kami at parehong kakulay ko,

pati nararamdaman ay akma at saktong-sakto,

kaya kaming lahat ay nagkaisa at nagplano.


Lumaban akong presidente at ang takot ay hindi ramdam,

ang rasismo ay pupuksain, nais sa mundo ay ipaalam,

marami ang sumaludo at ako ay sinuportahan,

ngayon ang bansa ko ay nakamtan na ang kalayaan.


Trinato na nang mabuti at nang pantay-pantay,

kapatawaran sa puting lahi ay aming ibinigay.

Lahat ay may karapatan upang malayang mabuhay,

ang problema'y ibinabase sa anyo ang respetong ibibigay.

1 comment

1 comentário


Membro desconhecido
13 de jun. de 2021

💛💛💛

Curtir

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page