top of page
  • Writer's pictureNerelyn Fabro

Nakaw


YoungPilipinas.com Filipino Poetry

Umaabang-abang sa lubak-lubak na kalye,

kumikinang-kinang ang mata nang makita ang ale,

inilabas ang pitaka at bigla siyang natuwa,

tumakbo nang matulin at ninakaw nang walang awa.


Hinabol siya ng ale at nagsumbong sa pulis,

siya nama'y kabayong tumatakbo nang mabilis,

nang ramdam na nakatakas, gumaan pakiramdam,

bumili ng pagkain para sa sikmurang kumakalam.


"Bunso, ito na ang pagkain mo." Saad niyang masigla at nang may ngiti,

habang kumakain ang anak, pagod niya'y napawi.

Isusugal ang buhay, makakain lamang ang inakay,

"Huli ka!" at biglang pinosasan ng pulis ang aking itay.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page