top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Naabot na Kita


Naabot na Kita (Wedding Vow Poem) - Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)
Naabot na Kita (Wedding Vow Poem )- Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)

Narito na tayo sa simbahan, ikinakasal na,

dati, pangarap lang natin 'to ngunit ngayo'y nagaganap na.

Talagang nakaluluha ngunit ang luhang 'to ay kakaiba,

isang pagtangis para sa nararamdamang espesyal na saya.


Saan ko pa ba isisilid itong mga ngiti

habang kaharap ang magandang babaeng nakagown na puti,

para akong sasabog sa aking kinatatayuan,

"Lord? Totoo ba 'to? Wala namang biruan."


Parang dati, pinaghihirapan ko pang sungkitin ang 'yong mga mata,

nagbabakasaling magkaroon ka rin sa akin ng katiting na pagsinta,

ngayon, katitigan pa kita

rito sa simbahang pinangarap nating dalawa.


Parang noon, hirap na hirap akong habulin ang iyong atensyon,

nagkandarapa manligaw para matupad ang misyon,

ngunit hindi naman ako nabigo sa tulong na rin ng Maykapal,

somobra pa ang blessings 'pagkat labis mo rin akong mahal.


Parang kahapon lang, naglalakas-loob pa akong magpakilala kina tito at tita,

ngayon, hindi ako makapaniwalang natatawag ko na silang mama at papa.

Nagbunga rin ang paghihirap kong makuha ka,

'pagkat ngayong oras, habang buhay na kitang makasasama.


Bukod sa bagay na bagay tayo,

bagay na bagay rin sa 'yo ang apelyido ko,

dadalhin mo na ito hanggang sa ating pagtanda,

aangkinin na kita't hindi na hahayaan pang mawala.


Ngayon, sa harap ng maraming tao,

mangangako akong mamahalin ka hanggang dulo,

saksi na rin ang ating Panginoong lumikha,

ang pakawalan ka ay isang uri ng pagkakasala.


Pangakong sasamahan ka sa hirap man o ginhawa,

sa anumang delubyong darating, lalaban tayong dalawa,

maniniwalang ang pag-ibig na ito ay aabot pa hanggang ating pagtanda,

pinaghirapan kitang sungkitin kaya ayokong kumawala.


Sana ay ganoon ka rin, huwag mo akong iiwanan,

kung pumuti na ang ating buhok, patuloy pa rin tayong lalaban,

patutunayang ang pagmamahal ay hindi namamatay,

magtiwala tayo sa Ama na pagtibayin ito habang tayo'y namumuhay.

1 comment

1件のコメント


不明なメンバー
2021年6月30日

💛💛💛

いいね!

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page