My Safest Place Isn't Safe Anymore
Paano kung isang araw dumating sa puntong ang kaisa-isang lugar na inaakala mong pinakaligtas para sa'yo ay ang magiging dahilan din ng pasakit mo?
Palagi kong tinatanong sa aking sarili kung may patutunguhan pa ba ang pagsulat ko.
Madalas sa madalas kasi puro kutya at pangmamaliit na lang ang dinadanas ko; hindi lamang mula sa kung sinong basher online, pati na mismo sa mga mahahalagang tao sa buhay ko.
"Ano ba yan Kali? Puwede ba itigil mo na 'yang ilusyon mo! Wala kang mapapala sa pagsusulat na 'yan! Huwag ka nang mangarap dahil wala kang ibang mararating ku'ndi ang bahay na ito!"
Iyan ang palaging bungad sa akin ni papa sa tuwing makikita niya akong nagsusulat.
Pero hindi ako nagpatinag. Nagpatuloy ako sa pagsusulat kahit na tila wala ni isang naniniwala sa akin. Dahil pagsulat lamang din ang nag-iisang kakampi ko at nakakaintindi sa lahat ng pinagdadaanan ko.
Hanggang isang araw nagbunga lahat ng paghihirap ko matapos kong ipost sa social media ang kauna-unahang libro ko.
Naging tanyag ang librong isinulat ko na pinamagatang 'My Safest Place Isn't Safe Anymore' na naglalaman ng lahat ng pambababoy sa akin ni papa.
...
Young Pilipinas Flash Fiction
Kommentare