top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Munting Hiling


A simple wish during or not Christmas poem
A simple wish during or not Christmas poem

Liwanag sa kalye'y nagtumpukan sa mata,

ang mga munting bahay ay nagmistulang kakaiba.

Paraiso sa pandinig ang pampaskong musika,

tila ba lahat ay nagdiriwang, sama-samang nagsasaya.


Mayroon ng nangangaroling sa mga bahay-bahay,

ang mga batang makulit ay naglalakad nang sabay.

At ang isa sa nakatutuwang tagpo'y pagtago ni ninang at ninong,

'pag magreregalo sa inaanak ay mabilisang uurong.


Kaniya-kaniya ng palaro at salo-salo sa handa,

mga bagong damit, natanggap ng mga bata.

Lahat ay nagbibigayan at nagsasaya,

pati nga mga pulubi't mangyan ay nagkakaisa.


Sana hindi lang sa pasko ang mga ganitong kaganapan,

sana magkaisa rin sa oras ng kagipitan.

Sana sa panahon ng sakuna, patuloy pa ring magbigayan,

walang pipiliin na tao, lahat ay tutulungan.


Kahit hindi pasko'y magsasalo-salo sa pagkain,

bawat isa ay may regalo — kapayapaan sa damdamin.

Mangyan at pulubi'y hindi pandidirihan,

dahil mananaig ang pagyakap sa kabutihan.


Sa oras ng bagyo, sama-samang babangon,

kung mayroong madapa, tutulungang iahon.

Sa atin magsisimula ang ninanais na pagkakaisa,

kaya't ang marapat gawin, ngayon ay umpisahan na.


Hindi ba't magandang tignan kung sa puso'y may pag-ibig,

musika ang tawanan sa sariling pandinig,

ang paghihirap ng isa ay may makarinig,

kaysarap sigurong mamuhay sa ganoong daigdig.



...

A Young Pilipinas Poem

1 comment

1 comentario


Miembro desconocido
27 ene 2022

bakit wala kana po post, naghihintay lang po ako

Me gusta

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page