Much Awaited Wedding
Ito na nga siguro ‘yon, ang huling araw na dalaga pa siya. Dahil pagdating nang bukas isa na siyang napakagandang may bahay.
“This is it!” Nakangiti ako sa harap ng salamin habang inaayos ang kuwelyo at kurbata ng aking amerikana. Espesyal na araw kasi ito para sa amin. Sapagkat ngayon ang araw na pinakahihintay ng lahat. Matagal din ang naging paghahanda, at marami rin ang naging aberya bago ito naisakatuparan.
Habang nakikita ko siyang naglalakad sa pintuan ng simabahan ay tila bumagal ang oras. Napakaganda niya sa suot niyang pangkasal. Pinaghalo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
“Sa wakas! Natupad na ang nag-iisang panalangin ko para sa kaniya,” mahina kong bulong sa sarili.
“Jing! Jing!” Bigla akong nakawala sa pananaginip nang gising sa tawag ng aking kambal na si John. Kinamayan niya ako at pagkatapos ay niyakap.
“Ikaw na ang bahala sa kaniya ha? Alam mong mahal na mahal ko siya. At alam ko ring ikaw ang mahal niya. Nauna lang ako sa buhay niya, pero ikaw ang kaniyang wakas. Ikaw na ang bahala kay Cynthia, John.”
Comments