top of page
  • Writer's pictureNerelyn Fabro

Modular Yarn?


Modular Yarn? by Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)
Modular Yarn? by Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)

“Nandito na ako!” bungad ng ‘yong nanay nang ang door ay bumukas,

ikaw naman ay na-excite, ngumiti ka nang wagas,

akala mo food na pasalubong at talagang masarap

ngunit modules pala at kung sunugin ay masarap.

Unang bukas mo pa lang, utak mo agad natusta,

hate subject mo kasi lahat, nandidilim ang ‘yong mata.

Sinisisi mo si Briones kaya ngayon ay naghihirap ka,

tipong bobo ka na nga ngunit nalaman mong may mas ibobobo ka pa.

“Activity 1, Multiple Choice” oh yes! Napasigaw ka nang mabasa mo,

e paano ba kasi hinuhulaan mo lang ‘to,

Hanggang saan kaya aabot ang magic ng a,b,c,d?

‘di mo na rin binabasa ang question, very easy.

“Activity 2, what is your opinion” oh? Ba’t kinuha mo ang cp?

Own opinion mo nga raw pero pumunta ka sa brainly.

Nagsimula ka ng magtype at may sumagot naman sa ‘yong tanong,

kaso bigla kang nabadtrip, ang reply kasi “kuwento mo sa pagong!”

“Activity 3, write an essay” sa puntong ‘to, napakamot ka na sa ulo,

nangati kasi bigla, e, wala ka namang kuto.

Chat mo agad si prenny para kumuha ng ideya,

pero dahil walang hiya ka naman, lahat na ay ‘yong kinopya.

“What Have I Learned” hala! Lagot! Hoy! Ano raw natutuhan mo?

bigla kang pinagpawisan, nginangatngat pa ang kuko,

susulyap-sulyap sa google at tatawa-tawa mag-isa,

biruin mo, sinasagutan mo lang ‘to para lang may maipasa ka.


Ngayon, ‘di mo akalaing gagraduate ka na,

Oh! Aminin mo, nagulat ka nang bongga,

Ano’ng lesson ang ‘yong natutuhan?

Yiee, nag-iisip, wala kasing matandaan.

Buweno, congrats! Good luck sa next school year,

Ang mawala ang CoVid, sama mo naman sa prayer,

face to face na nais ay makakamtan mo rin sa susunod na pasukan,

para magkita-kita nina classmates, sa glow-up maglabanan.

1 comment

1 Comment


Unknown member
Jul 15, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page